Lascañas: 'Masarap sa pakiramdam kapag may mapatay'


“Masarap ang pakiramdam kapag pumapatay” – Lascañas

Ipinagmalaki ni dating SPO3 Arthur Lascañas na iba ang kanyang pakiramdam kapag sila’y may napapatay.


Sa pagdinig ng Senado ay sinabi ni Lascañas na maraming napatay ang kanilang grupo na Davao Death Squad (DDS) lalo na sa mga unang taon ng kanil;ang operasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni dating mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kapag isa kang pulis at meron kang napatay iba ang dating ng mga kasamahan mo sayo”, pagmamalaki ni Lascañas.

Iba rin daw ang respesto na ibinibigay sa mga pulis na may napatay na.

Nilinaw rin ni Lascañas na hindi pera ang dahilan ng kanyang pagbabago ng pahayag dahil nakokonsensiya na raw siya.

Sa pagdinig ng Senado ay kanyang sinabi na sumailalim siya sa spiritual renewal dahil binabagabag na siya ng kanyang konsensiya.


Hindi umano niya ginagawa ang kanyang mga salaysay laban kay Duterte ng dahil sa pera dahil maayos na ang kanyang kalusugan makaraan ang kidney transplant.

Inamin rin ni Lascañas na siya ang lumapit para humingi ng tulong kay Sen. Antonio Trillanes noong nakalipas na buwan ng Pebrero. [Source: RadyoInquirer]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment