Search

Koronadal: 21-anyos patay matapos iturok ang pampalaki ng ari


Lalaking nagpaturok ng pampalaki ng ari, patay

KORONADAL CITY - BINAWIAN ng buhay ang 21-anyos na binata matapos itong magpaturok ng pampalaki ng ari sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Kinilala ang namatay na si alyas "Tata", residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa bayaw nito na si alyas "Ging-Ging", nagpaturok umano ang biktima sa kanyang ari ng "petroleum jelly" noong nakaraang linggo.


Kasama umano nito ang tatlong kaibigan nang isinagawa ang pagturok ng pampalaki sa ari gamit ang isa lamang hiringgilya.

Hindi na umano magalaw ni Tata ang baba nito dahilan upang dinala ito sa ospital.

Nangingitim at hindi na makahinga ang biktima dahil sa posible pagka-tetano.

Binawian ng buhay ang biktima alas-5:00 Sabado ng umaga. [Brigada News FM]

No comments:

Post a Comment