De Lima: 'Speaker’s Impeach threat vs. VP Leni is more than stupid. It’s insane!'


Binuweltahan kahapon ni Sen. Leila de Lima si House Speaker Pantaleon Alvarez at tinawag na mas istupido ang banta nito kay Vice Pres.


Leni Robredo na ipapa-impeach dahil sa kanyang kritisismo sa war on drugs sa video na ipinadala sa United Nations (UN).

Ayon kay de Lima, bukod sa istupido ang banta ni Alvarez, isa rin itong kalokohan at pagpapakita ng pag-abuso sa kapangyarihan.

“The Speaker’s Impeach threat vs. VP Leni is more than stupid. It’s insane! It’s called arrogance of power,” pahayag ni de Lima sa ipinalabas ng statement mula sa kanyang kulungan sa Camp Crame.

Naniniwala si de Lima na karapatan ng lahat ang magkaroon ng kalayaan at konsensiya para ihayag ang saloobin.

Bahagi rin aniya ng demokrasya ang kritisismo at pagkakaiba-iba ng opinyon.

Sinabi pa ni de Lima, ang mga totoong traydor at nagkakanulo sa interes ng publiko ang mga yumuyurak sa “basic freedom” ng mga mamamayan at mga nagsusulong sa walang tigil na extrajudicial killings (EJKs).

Ginawa ni Alvarez ang banta na maghahain ng impeachment complaint labay kay Robredo isang araw matapos sampahan ng impeachment complaint si Pa­ngulong Duterte sa Kamara. [Read more: PhilStar]
Share on Google Plus

Loading...


1 comments:

  1. tangina nyong mga LP, kayo nga pinaimpeach ninyo si corona dahil lang sa maling SALN na hindi naman impeachable offense..puro kayo hipokrito mga dimonyo kayong YellowTAE....

    ReplyDelete