De Lima nag reklamo sa trato ng PNP at Duterte admin


De Lima bumanat sa espesyal na trato sa mga pulis

Ikinaalarma ni Sen. Leila de Lima ang paglaya ng mga suspek sa Atimonan rubout case dahil isa umano itong klasikong ehemplo na ang mga pulis na sangkot sa pagpatay ay binibigyan ng “purifying treatment” upang makaalpas sa pananagutan ng batas.


Tinutukoy ni De Lima ang paglaya ni Supt. Hansel Marantan sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) noong Huwebes matapos na makapagbayad ng P300,000 piyansa.

Si Marantan ay kabilang sa 11 taong pinayagan ng Manila Regional Trial Court Branch 34 na magpiyansa matapos na mabigo umano ang prosekusyon na patunayan na malakas ang ebidensiya laban sa mga nasasangkot sa krimen.

“It is truly disturbing that, with a change in administration and a change in the leadership of the police force, we are witnessing, not just current cases of killings attributed to the police being whitewashed as “legitimate operations”, but even seeing those who were already investigated and charged in the past receive the same ‘purifying’ treatment,” diin ni De Lima sa ipinalabas na statement kahapon.

Nakulong si Marantan sa panahon ng paninilbihan ni De Lima bilang secretary ng Department of Justice (DOJ).


Gayunman, ang PNP ang nagdiin kay Marantan matapos lumabas na isinagawang imbestigasyon na hindi shootout kundi ambush ang ginawa ng grupo ni Marantan sa 13 kataong hinarang nila sa checkpoint sa Atimonan, Quezon noong Enero 2013.

“I am deeply worried about what this means for our nation. We have police officers accused of killing Filipinos in their homes and in the streets with impunity, shamelessly kidnapping and killing foreign nationals inside the PNP Headquarters, and high-ranking officials and fraternity brothers of the President being implicated in a bribery scandal involving illegal gambling,” patutsada pa ni De Lima.
[Read full at AbanteTonite]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment