Search

De Lima nabuhayan ng loob nang sinurpresa ni Aquino


Aquino binisita si De Lima sa kulungan

Ilang araw matapos makulong, binisita ni dating Pangulo Benigno Aquino III si Sen. Leila de Lima ngayong Huwebes sa national headquarters ng Philippine National Police.

Kinamusta ni Aquino ang senadora na dati niyang kalihim sa Department of Justice bandang 1:30 ng hapon.


Kasalukuyang nakakulong sa custodial center ng PNP ang senadora na inaresto nitong nakaraang linggo kaugnay ng pakikipagsabwatan niya umano sa high-profile inmates ng New Bilibid Prison.

Bago si Aquino ay nauna nang dumalaw si Bise Presidente Leni Robredo at ang mga senador na miyembro ng Liberal Party.

Ayon kay de Lima ay siya ang unang political prisoner ng administrasyong Duterte. [Read more: PhilStar]


No comments:

Post a Comment