10-anyos na kambal, sabay ginahasa ng tiyuhin


Kambal na 10-anyos, sabay na hinalay umano ng sariling tiyuhin

Dinakip ng mga awtoridad ang isang lalaki sa San Fabian, Pangasinan matapos siyang akusahan na panghahalay sa kaniyang kambal na pamangkin na 10-taong-gulang. Itinanggi naman ng suspek ang paratang at iginiit na hinawakan lang niya ang kambal.


Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, ikinuwento ng lolo ng mga biktima na Linggo ng gabi nang iwan ng kanyang asawa sa bahay ang kambal nilang apo.

Sinamantala umano ng suspek na walang kasama ang mga biktima at inabuso habang natutulog sa papag.

"Sinamantala naman nitong suspek na ganun na nga, isinagawa na niya 'yon. Pagdating nung lola, nagsumbong yung dalawang bata, that's the time na pumunta sila dito na nagreport," ayon sa pulisya.

Dagdag ng pulisya, lumitaw sa paunang pagsusuri sa mga bata na nagkaroon sila ng "laceration" sa maselang bahagi ng katawan.

Kaagad namang nadakip ang suspek na tiyuhin ng mga biktima na itinanggi ang paratang.
"Ang totoo hinawakan ko lang po," paliwanag niya.


Nang tanungin kung bakit niya hinawakan, tugon ng suspek, "Kasi po parang biglang pumasok lang sa isip ko na inano ko po sila."

Sinampahan na ng kasong rape ang suspek habang isasailalim naman sa counseling ang mga biktima.
[Read more: GMA]

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment