Search

Valentine's Day: Menor sinakal at kahit patay na ginahasa parin ng tiyuhin


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang menor-de-edad na babae matapos gahasain at patayin ng kanyang tiyuhin noong Pebrero 14, sa Brgy. Cagay siyudad ng Masbate.

Kinilala ni Police Senior Inspector Alvaro Ventabal ng Police Community Relations (PCR) Office, Masbate City ang biktima na si Mariah Aira Po y Dalanon, 17 anyos, Grade 10 student ng Alejandro Delos Reyes Integrated High School (ADRIHS) at residente ng nasabing barangay, samantala ang suspek ay kinilalang si Amador Dalanon y Cos, 32 anyos, may live-in partner at residente ng Purok 1, Brgy. Cagay sakop ng nasabing siyudad.

Sa salaysay ni Rovelyn Dalanon y Cos, 39 anyos, ina ng biktima at kapatid ng suspek, petsa 14 ng Pebrero, dakong alas 5 ng hapon nang hindi na nakauwi ang biktima.


Agad na inireport ng ina sa pulisya, kinaumagahan (Peb 15) ang pagkawala ng anak.

Makalipas ang dalawang araw, dakong alas 7:00 ng umaga, (Peb. 16) nang matagpuan ang wala nang buhay niyang anak, nakasubsob sa putikan, sa ilog ng Purok 6, sakop ng nasabing barangay.

Agad na dinala sa Pipo's funeral parlor ang bangkay para sa otopsiya.

Hinuli din agad ng pulisya, sa tulong ng barangay tanod ang ang nasabing suspek.


Sa salaysay ng isang testigo, ang suspek ang huling nakitang kasama ng biktima.

Ayon kay SPO1 Arlene Jones ng Women and Children's Protection Desk (WCPD), inamin din naman ng suspek na sinakal nito ang biktima, at kahit patay na ay kanya pa raw itong ginahasa.

Nahaharap na ngayon sa kasong Rape with Homicide ang nasabing suspek. [via]

No comments:

Post a Comment