Pinay bibitayin sa Dubai


OFW pa bibitayin sa Dubai!

Philippines -  Isa na namang Pinay na nasentensyahan ng parusang kamatayan ang nanganganib na isalang sa bitayan sa United Arab Emirates (UAE).


Kahapon nanawagan na ang pamilya ng OFW na nasa death row sa Dubai na si Jennifer Darquez, 30, tubong General Santos City, kay Pangulong Duterte na sagipin ang nasabing Pinay na nakasaksak at nakapatay ng kanyang employer na lalaki noong Disyembre 7, 2014 dahil sa pagtatanggol sa sarili nang tangkain siyang gahasain ng amo.

“Mr. President, tulungan niyo po ako. Masakit talaga sa akin. ‘Yung mga anak niya, tanong ng tanong kung kailan siya darating at kung kailan siya uuwi. Ama din po kayo, alam kong naiintindihan niyo ako,” panawagan ng ina ni Darquez na si Gng. Rajima.

Base sa rekord ng Department of Foreign Affairs (DFA), si Darquez ay sinentensyahan ng Al Ain court noong Mayo 20, 2015 at iniapela ng pamahalaan ang kaso nito sa mataas na korte ng UAE.


Nagtrabaho si Darquez sa UAE noong 2011 at nakatakda na sanang umuwi sa Pilipinas noong Enero 2015 subalit naganap ang nasabing pang-aabuso at krimen sa tahanan ng among Arabo.

Nagpasalamat naman ang pamilya Darquez sa DFA, Embahada at OWWA na nagbigay ng abogado na siyang nagtatanggol sa naturang Pinay.

Inaantabayan na ng Embahada ang magiging desisyon ng mataas na hukuman sa apela ng kaso ni Darquez na inaasahang ilalabas ngayong Pebrero 11. [PhilStar]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment