Pimentel sa mga pulis na mag-dakip kay De Lima: 'Gumamit kayo ng common sense'


‘Common sense, dapat gamitin ng mga pulis na mang-aaresto kay De Lima’


Umapela si Senate President Koko Pimentel sa mga pulis na gumamit ng ‘common sense’ sakaling aarestuhin na nila si Sen. Leila de Lima dahil sa drug case na inihain laban sa kanya.

Sa isang panayam, sinabi ni Pimentel na dapat gamitin ng mga pulis ang common sense.

Una na dito ayon kay Pimentel, hindi dapat sila istorbohin kapag may session ang Senado dahil maari silang makasuhan.

Pangalawa, kinakailangan aniya na respetuhin ng law enforcers ang kanilang session at maging ang kanilang premises.


Dapat din aniya na makipag-ugnayan ang mga pulis na magpapatupad ng pag-aresto sa Senate security officers.

Kasabay nito, sinabi ni Pimentel na tiwala siya na irerespeto ni De Lima ang anumang valid na warrant laban sa kanya.

Noong nakaraang Biyernes, naghain ang DOJ ng tatlong criminal complaints sa Muntinlupa Regional Trial Court laban kay De Lima dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa drug trade sa New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng Justice Secretary. [RadyoInquirer]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment