Panibagong Oarfish natagpuan, tanda ng muling pag-lindol?


Oarfish, muling natagpuan sa Agusan del Norte

Panibagong patay na 12-foot oarfish ang natagpuan sa baybayin ng Brgy. Rojales sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte.

Ito na ang pang-anim na oarfish na natagpuan mula noong buwan ng Enero.

Ayon sa ilang eksperto, palatandaan ng lindol ang paglitaw ng mga isand katulad ng oarfish na karaniwang naninirahan sa kalaliman ng dagat.


Ayon sa seismologist na si Kiyoshi Wadatsumi, sa isang pahayag na nailathala sa Japan Times, ang mga isda na nasa malalim na parte ng karagatan ay mas sensitibo sa paggalaw ng mga faults.

Narito ang ilang kuha sa bagong oarfish na natagpuan.



Paniwala kasi ng ilan isang indikasyon na may napipintong paglindol kung may nakitang ganitong isda sa baybayin na kadalasang nakatira sa lalim na higit 1000feet.

Ang oarfish ay nakita sa baybayin kasabay ng mga inanod na dahon sa dagat.
Agad itong inilibing ng mga nakakita sa tabi ng dagat. [Source: Abs-Cbn/photo Rose Jane Allocod]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment