Mga LP senators tinanggal sa Senate Chairmanships


LP senators sinibak sa Senate chairmanships


Tinanggal sa iba’t ibang pwesto sa Senado ang ilang senador na miyembro ng Liberal Party (LP).

Hindi na si Sen. Franklin Drilon ang Senate President Pro Tempore, kung saan pinalitan siya ng kapwa LP member na si Sen. Ralph Recto.

Binakante naman ang committee on health na dating hawak ni Sen. Risa Hontiveros na kilalang kaalyado ng LP, habang si Sen. Cynthia Villar na ang uupo bilang pinuno ng committee on agriculture and food kapalit ni Sen. Francis Pangilinan.

Sinibak din bilang chairman ng Senate committee on education si Sen. Bam Aquino na pinsan ni dating Pangulo Benigno Aquino III.


Nauna nang tinanggal kay Sen. Leila de Lima ang committee on justice nitong nakaraang taon.

Sa pagkakatanggal sa mga pwesto ay bumaba sa minorya sina Pangilinan, Aquino, Hontiveros at Drilon kasama si Sen. Antonio Trillanes IV na tatayong pansamantalang pinuno nila.

Inaasahan din na magiging miyembro ng minorya si De Lima ngunit kinakailangan itong marinig mismo sa kaniya mula sa kulungan niya sa Camp Crame. [Read more: PhilStar]

Nagkaroon ng rigodon sa liderato sa Senado. Natanggal sa posisyon ang ilang senador mula Liberal Party na kritiko ng administrasyong Duterte at napunta sila sa minorya.

Posted by TV Patrol on Monday, February 27, 2017
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment