'Duterte Youth' kakasuhan si Jim Paredes - Atty. Gadon


Posibleng maghain ng kaso ang grupong "Duterte Youth" laban kay Jim Paredes matapos ang kanilang komprontasyon sa EDSA 31 rally nitong Sabado.


Sa isang presscon ni Solicitor General Jose Calida ngayong Lunes, inimbitahan ng opisyal ang Duterte Youth para mabigyan ng pagkakataon na magsalita.

Ani Calida, gaya ng kanyang opisina, tagapagtanggol ng umano ng republika ang mga miyembero ng "Duterte Youth."

Sinabi ni Calida na biktima ng kabastusan umano ni Paredes ang Duterte Youth, at nang tanungin niya sa presscon kung sino ang handang tulungan ang Duterte Youth, tumayo ang abogadong si Lorenzo Gadon.

Nilinaw ni Gadon na wala siyang koneksyon o puwesto sa Office of the SolGen, bago sabihing maaaring kasuhan ng "unjust vexation" at "theft of personal property" si Paredes.

Ito'y matapos umanong kunin ni Paredes ang tarapaulin na hawak ng Duterte Youth nitong Sabado.


Gayunpaman, wala pang kongkretong ligal na hakbang ang grupo laban kay Paredes.

"He's (Paredes) a blind 'yellow' follower who sees Ninoy, Cory as hero and saint. Laos na siya kaya siya naghahanap ng atensyon... Hindi nila pagmamay-ari ang EDSA, hindi nila regalo sa bayan ang demokrasya." dagdag pa ni Gadon. [Read more here]

Posted by Vivian Velez on Sunday, February 26, 2017
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment