Search

Ulo ng tokhang cops ng Korean, ipapadala ni Duterte sa SoKor


Ulo ng killers ng Korean ipapadala ko sa Sokor - Digong


“Sa mga murderers ni Jee Ick-Joo. Maybe I can send your heads to South Korea,” pahayag ng galit na galit na si Pangulong Duterte.

Personal na humingi ng paumanhin kahapon ang Pangulo sa pagkamatay ng South Korean

“I assure you those responsible are known to us already and they will have to go to prison. We are very sorry it had to happen,” wika ni Duterte sa sinapit ni Ick Joo sa kamay ng kanyang mga kidnaper na mga pulis.

Siniguro ni Pangulong Duterte sa mensahe nito sa ceremonial switch-on ng Alcantara Group coal plants sa Maaasin, Sarangani province na pagdurusahan ng mga sangkot na pulis ang ginawa nilang pagdukot at pagpatay kay Jee.

“Tang-ina kayong pulis, bantay kayo, hindi ko kayo papalusutin, you will suffer. I’ll see to it they are sentenced to maximum,” giit pa ni Pangulong Rody.


Nangako din ang Pangulo na magiging ligtas na ang Maynila sa loob ng susunod na 3 taon.

“Take me about 3 years, 3 years wala na talaga,” pangako pa ng Pangulo.

Nagbabala rin si Duterte sa mga alkalde at barangay chairman na huwag silang papasok sa illegal drugs dahil ‘mamamatay’ sila. [Source: Philstar]

No comments:

Post a Comment