Timbog sa PDEA ang 'Drug Queen' na si Lovely Adam Impal


'Drug Queen' Lovely Adam Impal, arestado ng PDEA

Arestado ang umanong "Drug Queen" na si Lovely Adam Impal sa isang buy-bust operation ng PDEA.


Nakarating na sa opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Lovely Adam Impal, na itinuro ni Kerwin Espinosa, isang umanong drug lord, bilang supplier niya ng droga sa Visayas.

Sa inisyal na impormasyon ng PDEA sa Rehiyon 10, naaresto sa isang buy-bust operation si Lovely Adam Impal sa Barangay Palao, Iligan City, alas-12 ng tanghali nitong Miyerkules.

Timbog din ang 2 pa niyang kasama.

Ayon sa PDEA, nakuha mula kay Impal ang 100 gramo ng materyal na pinaghihinalaang methamphetamine (shabu), na sa kanilang pagtataya ay nagkakahalaga ng P500,000.


Sa panayam ng ABS-CBN News, itinanggi ni Impal na kanya ang nakuhang shabu. Aniya, wala daw siyang dahilang magbenta ng droga, dahil sumuko na siya sa hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Ronald dela Rosa noong Disyembre. Pinagsabihan na siya umano ni Dela Rosa na mag-ingat nang palayain nito.

Ani Impal, inamin na rin daw niya kay Dela Rosa na dati siyang supplier ni Espinosa ng bawal na gamot sa Visayas, pero tumigil na siya sa pagbebenta ng iligal na droga. [Source]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment