Pinuno ng 'tokhang for ransom' bistado na


Utak ng ‘tokhang for ransom’ tukoy na!

Nakatutok na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ‘utak’ ng ‘tokhang for ransom’ na res­ponsable sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-Joo.

Sa panayam sa isang istasyon sa radyo (DWIZ) kahapon ay inamin ni DILG Secretary Mike Sueno na may suspek na sila kung sino ang tututukan para sa mabilis na ikalulutas ng kaso.

Gayunpaman tumanggi ang kalihim na ibunyag ang pangalan ng suspek dahil umuusad pa ang imbestigasyon.


Sinabi ni Sueno na aatasan nila ang isang intelligence group upang manmanan ang mga pulis na konektado sa sindikato ng tokhang for ransom na kinasasangkutan ni SPO3 Ricky Sta. Isabel, suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman.

Samantala, may mensahe rin ang DILG sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kontrobersiya na sa mismong bakuran ni PNP chief Director Gen. Ronaldo ‘Bato’ Dela Rosa sa Camp Crame ginawa ang krimen.

Ayon kay Sueno, dapat magsilbing ‘wakeup call’ ang nangyari sa Kampo Crame lalo na kay Dela Rosa na tumatayong ama ng Pambansang Kapulisan. [Source: Abante-tonite]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment