Patay: Tinadtad ng bala sa selda ang suspek sa pangre-rape at chop-chop sa isang dalaga


Chop-chop suspect tinadtad ng bala sa selda

PATAY ang suspek sa panggagahasa, pagpatay at pag-chop-chop sa isang dalaga nang pagbabarilin ng mga pulis sa loob mismo ng selda nito kaninang hapon sa Cavite.

Matatandaan na inamin ni Alvin Delos Angeles ang ginawang krimen sa biktima na si Mitzi Joy Balunsay,  second year college student ng Cavite State University Main Campus at nakatira sa Barangay De Ocampo sa Trece Martires City.


Nabatid sa mga residente malapit sa police station kung saan nakakulong si Delos Angeles, nakarinig sila ng mahigit sa sampung putok ng baril sa loob mismo ng istasyon, bandang alas tres ng hapon.


Ayon sa mga pulis, biglang binunot ni Delos Angeles ang baril na dala ng jail guard na si PO1 Puriseto habang nasa loob ng selda kaya nagawa nila itong barilin.

Tama ng bala sa ulo, dibdib at tiyan ang ikinamatay ni Delos Angeles.

Inaalam na kung may foul play sa pagkapatay kay Delos Angeles. [Source: remate.ph]


Share on Google Plus

Loading...


1 comments:

  1. Foul play o anung klaseng pagkamatay niya...wala yun ang importante napatay siyang demonyo siya...lumabad o hindi lumabad ang mahalaga namatay kagad siya....yun lang yun!

    ReplyDelete