Maute at Abbu Sayyaf Group nasa Manila! - DILG Sec. Sueno


‘Maute’ nasa Metro Manila na!

MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni DILG Sec. Mike Sueno na mayroong banta sa seguridad sa idaraos na prusisyon ng Black Nazarene na gaganapin sa Enero 9 sa Quiapo, Maynila.

Sinabi ni Sueno, ang banta ng terorismo ay mula sa Maute group at Abu Sayyaf Group lalo’t mayroon umanong koneksyon ang Maute group sa ISIS.

Dahil dito, binigyan diin ni Sueno na nasa full alert status ang lahat ng mga security forces sa buong bansa sa kasagsagan ng Traslacion sa Lunes.

Sa kabila ng mga banta, sinabi ni Sueno na hindi irerekomenda ng gobyerno na ikansela ang Traslacion.

Susubukan anya nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapanatiling ligtas ang mga dadalo sa event na ito.

Naririyan naman daw ang Philippine National Police, ang militar at iba pang armadong grupo ng gobyerno na tutulong para mapanatili ang peace and order at ang kaligtasan ng lahat ng pupunta sa Traslacion.

“We will just try our best to really keep our people safe. This is why we have the PNP, the military, and the other armed groups in our government to really help contain the --- or maintain peace and order and keep our people safe because we heard there will be out 18 million, from 15 million to 18 million who will participate. This is a very big event,” paliwanag pa ng DILG chief.


Pero sakaling matindi raw talaga ang banta sa kaligtasan ng mga mamamanata, sinabi ni Sueno na posibleng kausapin na lamang nila ang mga lider ng simbahan ukol dito.

Nakatakda raw magsagawa ng joint command conference ang PNP at Armed Forces of the Philippines upang pag-usapan ang issue ng seguridad sa kapistahan.

Samantala, nanga­ngamba din ang DILG na baka gamitin ng Khalifa group na may alyansa din sa ISIS ang pagkamatay ng kanilang lider na si Mohammad Jaafar Maguid alyas Commander Tokboy ang nakatakdang religious event sa Enero 9 upang maghiganti.

“So ‘yun lang baka mag-retaliate, iyon ang problema natin ‘yung retaliation. That’s why you have to double, triple our preparations sa security,” giit pa ni Sueno.

Kinumpirma din nito na magkakaroon ng signal jamming sa paligid ng pagdarausan ng prusisyon ng Itim na Nazareno para sa seguridad ng bawat dadalo upang hindi magamit na trigge­ring device ang cellphone para magpasabog ng bomba ang mga grupo na maghahasik ng tero­rismo sa mismong araw ng Kapistahan ng Black Nazarene. [Source]
Share on Google Plus

Loading...

0 comments:

Post a Comment