Large anti-submarine ships ng Russia nasa Pinas na

Philippine Navy ship BRP Ramon Alcaraz (PF-16) engages with Japan's JS Hatakaze en route to Australia. Navy/Subic Bay News, file [Source]

Russian warships nasa Pinas para sa naval exercise

MANILA, Philippines — Dumating kahapon ang dalawang warship ng Russia sa Maynila para sa maritime exercise kasama ang Philippine Navy.

Dumaon kahapon ng umaga ang isang large anti-submarine ship na Admiral Tributs at Boris Butoma na isang sea tanker sa South Harbor ng Maynila.

Ayon sa mga ulat, tatagal ng limang araw nag maritime exercise na nakatakdang puntahan ang mga makasaysayang lugar sa Maynila at Cavite.

Inaasahang ipapakita rin ng Russian warships ang kanilang mga armas at magbabahagi rin sila ng kanilang mga taktita.

Magkakaroon din ng capability demonstration, goodwill games at wreath laying.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagustuhan na mapatibay ang relasyon ng Pilipinas sa Russia.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong nakaraang linggo na nag-alok ang Russia ng submarine at drones upang malakas pa ang modernization program ng Pilipinas.


Dagdag ni Lorenzana na hindi muna tatanggapin ang alok ng Russia na submarine dahil hindi pa naman ito kailangan ngunit tinitingnan ang pagkuha ng mga drones at sniper rifles.

Nitong nakaraang buwan ay nakipagpulong si Lorenzana sa pinuno ng Federal Service for Military Technical Cooperation of the Russian Federation sa Moscow.

Nakipagpulong din si Foreign Affairs Secretary Pefecto Yasay Jr. sa kaniyang Russian counterpart upang pag-usapan ang relasyon ng dalawang bansa. [Source]

Share on Google Plus

Loading...

0 comments:

Post a Comment