Isa pang OFW sa Kuwait bibitayin


1 pang Pinoy bibitayin sa Kuwait!

MANILA, Philippines - Isa pang Pinoy ang nahaharap sa parusang bitay sa Kuwait.


Ayon kay Phl Ambassador to Kuwait Rene Villa, nanganganib na masalang sa bitayan ang Pinoy na si Elpidio Lano dahil sa pananaksak at pagpatay dahil sa selos sa kapwa Pinoy na si Nilo Macaranas, 50 anyos, tubong Iligan City, isang engineer sa Kuwait noong 2014.

Sinabi ni Villa na kasalukuyan nilang binabanta­yan at tinututukan ang kaso ng Pinoy at makakuha ng letter of forgiveness para masagip sa bitay.

Kamakalawa ay kasama ang OFW na si Jakatia Pawa sa pitong death convicts na binitay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Kuwait.


Kinumpirma ni Villa na ilang oras matapos mabitay ang Pinay na si Jakatia Pawa, tubong Zamboanga del Norte, agad ding inili­bing ang mga labi nito sa isang sementeryo sa Kuwait nitong Huwebes.

Si Pawa ay nasentensyahan ng bitay noong 2018 matapos ang pananaksak at pagpatay sa 22-anyos na anak ng amo noong 2007. [Source: Philstar]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment