Search

Deadshot: Si Manny Co ang may pakana ng ‘Oust Duterte’ - Erwin Tulfo


SI ‘MANNY CO’ ANG MAY PAKANA VS DIGONG
Disclaimer: Published in Remate - Opinion "Deadshot" by Erwin Tulfo

SA kabila ng desperadong black propaganda laban kay Pangulong Duterte, mahigit 83 porsiyento ng mga Filipino ang patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanyang administrasyon.


Ang todo-suporta kay Manong Digong ay lumitaw sa latest Pulse Asia survey. Gusto talaga ng sambayanan ng tunay na pagbabago at ‘yan ang nakita nila sa nakaraang anim na buwan.

Kahit na binubuhusan ng pondo ng mga sindikato ang paninira sa Pangulo, hindi natitinag bagkus tumaas pa ang trust rating niya.

Kaugnay nito, may ulat na isang grupo ng illegal gambling lord na pinamumunuan ng isang alias “Manny Co” ang diumano’y nagpopondo sa “Oust Duterte” special operation.

Si Co ay isang Filipino-Chinese cockfighting aficionado na ang raket ay illegal online gambling tulad ng “online-sabong” at major contributor ng Liberal Party ni Ngoyngoy Aquino noong 2010 at Mar Roxas nitong 2016 elections.

Ayon sa aking sources, itong si Co ay nagkamal ng kayamanan na ‘di bababa sa P1.8 billion ngunit nakalusot sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong mga nakaraang taon dahil nga sa pagpopondo sa LP bigwigs.


Tingnan natin ngayon! Makaraan na ipahayag ni Manong Digong noong Nobyembre na ipasasara niya ang mga iligal na online gambling joint na nag-eempleyo ng mga illegal alien, nakipagpulong itong si Co sa mga gambling lord.

Napagkayarian sa nasabing Mafia meeting ang paglagak ng bilyong-pisong pondo para sa “Oust DU30” black propaganda ops simula pa noong Nobyembre 2016.

Samantala, patuloy ang raket si “Manny Co” sa illegal online sabong kaya walang patid ang special ops versus kay Manong Digong. | Remate

1 comment:

  1. "patuloy" ang raket ng Manny Co na 'yan, but the PRRD admin is not doing anything about it? Aba, di ba dapat sya ang unahin that the current gov't should go after?

    ReplyDelete