Search

Bishop Bacani bibigyan si Duterte ng P10 Million


Duterte bibigyan ng P10 Million ni Bishop Bacani


Handang mangutang ng P10 Million si Novaliches Bishop Emiritus Teodoro Bacani para ibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kung kaya umanong patunayan ni Duterte na mayroon siyang dalawang asawa tulad ng sinabi ng pangulo kamakalawa.

Sa isang panayam, sinabi ni Bacani na P5 Million ang kanyang ibibigay kung mapapatunayan na mayroon siyang asawa pero dahil dalawa ang sinabi ni Duterte ay gagawina na niya itong P10 Million.

Ang nasabing pera umano ay kanyang ipangungutang para lamang patunayan na wala siyang mga asawa.

Binanggit rin ni Bacani na maraming mga isyu na ang ibinato sa kanya pero ngayon lang siya inakusahan na mayroon siyang asawa na dalawa pa.

Pinayuhan rin ng nasabing opisyal ng simbahan si Duterte na mag-isip muna at huwag maniwala sa mga tsismis dahil ito ay makakasira sa Office of the President.

Sinabi rin ni Bacani na suportado niya ang anti-drug war ng pamahalaan pero huwag naman sa puntong kailangan nang pumatay ng mga tao para lamang ito magtagumpay. [Source: RadyoInquirer]

1 comment:

  1. Daming pera ni father damaso, sa iyo ba iyang perang ibibigay mo o sa mga abuloy ng tao lingo lingo na hindi ninyo tinutulong sa mga mahihirap. Padre hindi talaga mahahanap yung dalawang asawa mo kasi hindi kapwedeng mag asawa. Pero yung mga minolestya nuon ay mga buhay na patotoo baka hindi lang dalawa.

    ReplyDelete