Bautista sa NPC: "Sinunod ng Comelec ang standards at best practices"

Para kay Bautista ay dapat panagutin ang hackers at hindi ang mga naging biktima nila. - Source

Bautista sa hatol ng NPC: Bakit ang biktima ang parurusahan?

Kinuwestyon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Juan Andres "Andy" Bautista ang hatol ng National Privacy Commission na panagutin siya dahil sa “Comeleak.”


Iginiit ni Bautista na sinunod ng Comelec ang standards at best practices sa buong mundo kaugnay ng seguridad ng website sa kabila ng hacking incident na nangyari nitong nakaraang taon.

Aniya maraming pribadong IT companies at iba pang ahensya ng gobyerno sa bansa at sa ibang bansa ang naha-hack.

"With all due respect to the NPC membership, we believe that the NPC decision was based on a misappreciation of several facts, legal points, and material contexts," pahayag ni Bautista.

Sinabi ng NPC na nilabag ni Bautista at ng Comelec ang Sections 11, 20 at 21 ng Republic Act 10173 o ang Data Privacy Act.

Para kay Bautista ay dapat panagutin ang hackers at hindi ang mga naging biktima nila.


"Given the foregoing, should the focus not be on apprehending the hackers instead of punishing the hacked?" tanong ni Bautista.

Nakasaad sa hatol ng NPC na nagpabaya si Bautista bilang pinuno ng Comelec at inaasa na lamang sa kaniyang mga tauhan ang seguridad ng website.

Depensa ng Comelec chairman na kailangan niyang pagkatiwalaan ang sinasabi ng kanilang IT experts.

"As the head of agency, in areas where I did not have specific expertise, I generally trusted the advice and recommendations of our IT experts," sabi ni Bautista.

"And if Comelec IT specialists directly in charge of operating the website were found not liable, what more those who merely oversee their work and in particular, the head of agency?" dagdag niya. [Source]

Share on Google Plus
loading...
Loading...

0 comments:

Post a Comment