Pres. Duterte pasok sa World's Most Powerful People ng Forbes Magazine!


Pangulong Duterte kasama sa 11 bagong pangalan na nakapasok sa World’s Most Powerful People ng Forbes Magazine

Mag-aanim na buwan matapos mahalal bilang pangulo ng bansa, napabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo ng Forbes Magazine.

Si Duterte ay nasa pang-pitumpung pwesto ng World’s Most Powerful People.

Sa nasabing listahan, nagtatala ng 74 na personalidad mula sa iba’t ibang panig ng mundo na maituturing na makapangyarihan.

Sa pagsama kay Duterte sa listahan, tinukoy siya ng Forbes bilang dating mayor ng Davao City na nahalal na pangulo ng Pilipinas noong May 2016 at pina-igting ang kampanya laban sa mga drug users at iba pang kriminal.

Nakasaad din doon na ang war on crime ni Duterte ay nagresulta na sa pagkasawi ng libu-libong katao at binanggit din ang mga kontrobersyal na pahayag ng pangulo gaya ng pagkalas niya sa alyansa sa US.

Naungusan pa ni Dutere sa ranking sina Ayman al-Zawahiri ng al-Qaeda (71st), Las Vegas Sands’ Sheldon Adelson (72nd), Founders Fund’s Peter Thiels (73rd), at US Senator Chuck Schumer (74th).


Maliban kay Duterte, ilan pa sa mga bagong pangalan na napasama sa listahan ngayong taon ay sina UK Prime Minister Theresa May (13th), Uber CEO Travis Kalanick (64th), Walt Disney Company CEO Bob Iger (67th) at US Vice President-Elect Mike Pence (69th).

Nanguna sa number 1 ng listahan si Russian President Vladimir Putin at pumangalawa naman si US President-elect Donald Trump. [Source]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment