Bitay huwag ituloy - Human Rights Watch


Bitay pinahaharang sa Kamara

Nanawagan ang isang US-based Human Rights Watch (HRW) sa Kongreso na harangin ang anumang hakbang na nagsusulong na ibalik ang parusang bitay sa Pilipinas.


Sa isang statement, iginiit ni HRW Deputy Asia Director Phelim Kine na napatunayan na sa buong mundo na hindi crime deterrent ang death penalty.

Muli din nitong ipinunto ang nakasaad sa 1987 Constitution na ‘right to life’ gayundin ay pinaalala nito na ang Pilipinas ay signatory sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) at sa Second Optional Protocol ng ICCPR na nagsusulong ng pag-abolish sa death penalty.

“It will only add to the already horrific death toll that President Rodrigo Duterte’s ‘war on drugs’ has inflicted on Filipinos since he took office on June 30” dagdag pa ni Kine.

Una nang inaprubahan ng House Subcommittee on Judicial Reforms sa ilalim ng House Justice panel ang House Bill 1 na isinumite ni House Speaker Pantaleon Alvarez na nagsusulong ng death penalty, umaasa ang House leadership na bago matapos ang 2016 ay maaprubahan na sa komite level ang death penalty bill. [Source]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment