Bilyones na shabu at kasangkapan, nasekwati sa San Juan


Bilyong pisong halaga ng shabu at mga sangkap at gamit sa paggawa nito, nasabat sa San Juan

Aaabot sa isangdaang malalaking bag na naglalaman ng kilo-kilong mga shabu bawat isa ang nasabat sa isinagawang pagsalakay sa isang bahay sa San Juan City.

Isinagawa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang raid sa bahagi ng Mangga Street sa Little Baguio, San Juan.

Nang mapasok ng mga otoridad ang target na bahay, tumambad sa kanila ang naglalakihang mga bag na ang laman ay tinatayang nasa tig-sa-sampung kilo ng shabu bawat isa.

Isang kwarto din sa loob ng sinalakay na bahay ang nakitang punung-puno ng mga gamit at sangkap sa paggawa ng shabu.

Maliban sa mga shabu na nakita sa loob ng bahay, anim na bags pa na naglalaman din ng shabu ang nadiskubre sa isang kotse.


Patuloy pa ang ginagawang imbentaryo sa mga nasabat na shabu kaya hindi pa matukoy ng NBI ang eksaktong dami ng mga ito.

Samantala, tatlong Chinese nationals at tatlo pang Pinoy ang hawak ngayon ng NBI matapos madatnan sa nasabing bahay. [Source]


Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment