Baclaran Church, natatakot sa reaksyon ng mga tao sa photo gallery ng DUI


Baclaran Church, nabagabag sa reaksyon ng tao sa photo gallery ng DUI

Lalong nabagabag ang rector ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help Baclaran Redemptorist Church sa naging reaksyon ng publiko sa ‘photo gallery’ ng mga biktima ng Death Under Investigation (DUI) na kanilang inilagay sa Simbahan.


Ayon kay Fr. Joseph Echano, nakakabahala lalo na at tila marami ang may gusto talaga ng mga patayang nagaganap ngayon at tila sinasamba na nila ang Pangulo ng bansa dahil sa uri ng kampanya nito laban sa iligal na droga.

Nalulungkot din ang pari dahil mas binatikos pa sila sa halip na magnilay ang mga mananampalataya na wala ng paggalang sa buhay ang gobyerno at tila natutuwa pa sila sa nagaganap na patayan sa halip na mangamba.

“Nababagabag kami, kasi napunta sa photo gallery at hindi na dun sa killing, nasaan na ang pananampalataya nila, parang ang mas dini-Diyos pa nila ang presidente, ano na yung bunga ng pananampalataya nila. Alam ninyo malalim ang naging impact sa amin,” pahayag ni Fr. Echano sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ni Fr. Echano, inilagay nila ang photo-gallery sa Baclaran Church upang ipaalam at umapela sa publiko na ang bawat tao ay may dignidad na kahit ang mga tinaguriang kriminal ay mga tao na may karapatang mabuhay at bigyang pagkakataon na magbago.


“Yung purpose ng photo gallery is to appeal to humanity, a sense of dignity sa kanila na hindi tayo Barbarian, kahit drug addict yan tao yan, hindi basta basta papatayin na parang baboy na pinapatay sa harapan pa ng kanilang mga anak,” pahayag pa ng pari.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nasa 2,124 na pinaghihinalaang users at pushers ang napatay mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 18 ng taon habang nasa 3,993 ang kaso ng death under investigation.

Mariing iminungkahi ng mga obispo ng Simbahan sa pamahalaan na lutasin ang problema ng bansa sa ilegal na droga sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, pagsasaalang sa tama, makatwiran at makatarungang pamamaraan na may paggalang sa buhay at karapatan ng bawat isa. [Source]


Share on Google Plus

Loading...


15 comments:

  1. Sa karumal dumal na krimen na ginawa ng mga kriminal....naisip ba nila ang karapatan ng mga biktima? Naisip ba nila ang sakit na nadama ng mga naulila....ang mga inosenteng sinira at kinitil ang buhay...nasaan ba ang karapatan ng mga biktimang ito? Magaling lng ang mga paring ito magpaskil ng mga karapatan kuno ng mga kriminal...pero hindi nila ipinaskil ang karapatan ng mga inosenteng biktima..wala nga kayong nagawa na sisihin at kondenahin ang mga hayup na yan...instead dedepensahan pa ninyo! Kaya lalong dumami ang mga lapastangan dahil sa pagkonsenti nyo....wala naman kayong ginawa para di nila magawa ang mga karumal dumal na krimen..mas naawa pa kayo sa kanila kaysa sa mga biktima...nasaan ang katarungan? Tama ang sabi ng Pangulo DU30 hindi panakot ang death penalty yan ay parusa sa ginawa nilang pagpatay sa mga inosente..

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka dyan dapat lang para mabawas bawas ang mga halang ng kaluluwa ng lipunan.apat sanay fair din ipaskel din nila ang mga ginawa ng mga kriminal na walang pakungdangan na pumatay ng mga inosente hinolholdap na papatayin kung di reypin ang mga batang babae papatayin pa

      Delete
  2. kala ko ba sabi nyong mga pari na "spread love not hate" eh sa ginawa nyo na pagpaskil ng mga larawan na yun pinapakita nyo lang na galit ang pinakakalat nyo sa mga tao pinaskil nyo yun para magalit ang mga tao kay tatay digong!!!

    ReplyDelete
  3. Baket ba pilit ninyo idinidiin ang EJK sa ngaun sa Presidente baket nde pa noon nagdaan pamunuan Aquino?? Baket may simpatya kayo sa pamilya ng mga kriminal kesa sa pamilya ng mga inosenteng kabataan napatay.
    Nakakasuya magpunta sa simbahan na lantaran ang pagbatikos at pgpapakitang bias nito sa gobyerno.
    Ang simbahan ay Dalanginan at tahanan ng Dios ... Wag nyo haluan ng politika mkaDuterte o Dilawan man kayo katoliko!

    ReplyDelete
  4. E father escano may alam pala kayong mas mainam na paraan, e bakit kayo naglagay ng photo gallery sa simbahan bakit di kayo nagpunta sa malakanyang at sabihin kay PRRD na ito ang tamang paraan at mali yang ginagawa mo, sa halip na mambatikos kayo ng mambatikos, e magsuoat kayo ng paraan alam nyo na walang pinapatay na kriminal, palibhasa walang anak ang mga pari kaya di nila tinitingnan ang kinabukasan ng mga kabataang nalululong sa droga. Tsaka tama si jen dapat ipantay nyo wag kayong one sided, ilagay nyo rin sa simbahan yung biktima ng rape pagnanakaw, biktima ng droga, etc etc, hindi yung mga biktima lang EJK kuno.para walang bias.

    ReplyDelete
  5. Dapat yung nilagay nilang mga pictures ay tungkol sa mga positive vibes hindi yung napakahalatang gumagawa ng paraan para kamuhian si DU30. Ang hirap sa mga pari puro masasama ang nakikita at di nila nakikita ang mabubuti dahil nabulag na sila sa kapangyarihan nilang diktahan ang gobyerno. Nakakagigil na ang mga pari na to.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kailangan nila gawin yan dahil ang alam nila kakampi ang mga mahihirap sa kanila.Di mo ba alam na kung walang mga tanga wala ng maniniwala sa Simbahan. I google mo, makikita mo sa mga mahihirap dyan yumayaman ang Simbahan.

      Delete
  6. Wala nang tamang nagawa ang mga Pari ngayun. Ang pera ng mga membro instead itulong sa mga pulubing membro nag invest pa ng business at wala ni isang kusing na ibinalik sa mga tao.

    ReplyDelete
  7. Yong Sinabi nyo FR na parang pinapatay nila na parang baboy yong mga tao, sino ba ang gumagawa ng ganyan di ba yong mga drug lord din or pusher or addict ang gumagawa ng ganyan. Ang bilin lang naman ang president ay kung lumaban sila sa mga pulis sabi niya shot them kaysa kayo ang mapatay yon lang naman ang sabi niya. Ano bang mali diyan, di ba dapat lang kaysa pulis ang mapatay. Pero kung pulis man ang gumawa sa karumaldumal na pagpatay, yong mga pulis na yan ay mga pusher, or drug lord din. Hindi natin maiwasan yan kasi maraming sankot sa illegal drugs na mga pulis at mga matataas na opisyal sa gobyerno. Hindi kasalanan ng pangulo yan. Sige nga mga Fathers magsuggest nga kayo ng solusyon sa problema diba sa ginagawa niyo at kapabayaan ng dating administrasyon na kinakampihan niyo ay lumala ang problema kayo ang nagpalago sa illegal drugs taapos may nagmalasakit sa bansa natin kinokontra niyo instead na tulongan niyo. Baka kayo rin ang gumagawa ngayon sa mga carnapping, holdup to distabilize or para maredirect ang government sa kampaniya laban sa droga.

    ReplyDelete
  8. The Puppet Master aka. The Network of Global Corporate Control (identified by Vitali, Glattfelder, and Battiston of ETH Zurich) is using its Tentacles (Puppets) to bring down Pres. R. Duterte by using the Church, the CIA, the Mainstream Media, most of alternative media and political hit men, as what happened in the Senate Hearing and the call of UNHCHR to Pres. Duterte to allow them to investigate the alleged extra judicial killing lately.
    https://www.youtube.com/watch?v=awIEkU5DaZE
    This is why… I keep on posting this comment that this is the source of Evil. Pres. Duterte should be very careful with the Vatican, CIA and the Mainstream Media that was owned and controlled by the Network of Global Corporate Control (identified by Vitali, Glattfelder, and Battiston of ETH Zurich
    http://arxiv.org/PS_cache/arxiv/pdf/1107/1107.5728v2.pdf )
    Read the teleprompter so that you may know how the Vatican and CIA that was base in Switzerland are interconnected. This is the Teleprompter of Karen Hudes DCTV Show.
    https://s3.amazonaws.com/khudes/dctvteleprompt3.29.pdf
    About Switzerland and the Templars, based on
    Sean Hross
    https://www.youtube.com/watch?v=9E0gUiVoHsI
    Here is the teleprompter:
    https://s3.amazonaws.com/khudes/dctvteleprompt6.14.16.1.pdf
    Here are the Famous Warnings/Quotes on the Evil of Jesuits start in Page 6 https://s3.amazonaws.com/khudes/dctvteleprompt12.13.16.3.pdf
    https://tabublog.com/.../famous-warning-quotes-on-the.../
    Truth, Love and light will set us free…
    God Bless…us all his creation.

    ReplyDelete
  9. Give the present president a chance to correct and suppress what the previous Leaders have failed to do. LEt us be part of the solution rather than becoming part of a problem...

    ReplyDelete
  10. pahayag nga ba ito ng isang pari ng simbahan? nakapagtataka bakit pag himok na lumaban sa kapwa tao at hindi paghimok na manampalataya sa diyos? di ho bat kayo na ang nagsabing huwag manghusga? hindi ho ba panghuhusga ang mga litratong inyong ipinakikita? hindi ho bat sinabe ninyong wag mag tanim ng galit subalit mag patawad? hindi ho bat kabilaktaran ito sa inyong ipinapakita at ang naiisip ng mga tao? di ho bat nararapat na ipakita ang mga gawain na makakatulong sa aming mga kaluluwa sa kung ano ang aming kahihinatnan sa kabilang buhay? di hubat nararapat ay ang sabihin ninyong ipanalangin nalamang natin kung ano man ang nangyayaring masama? ano ho ba ang punto ninyo? kumampi at makiisa kami sa inyo? karamihan po sa amin ay nagpupunta sa simbahan upang hingin ang pagbabasbas at humingi ng kapatawaran? dahil tanging simabahan ang inaakala nming paraan namin upang maiwaksi sa aming puso at isipan ang mga ganyang pangyayare at magkaroon nang katiwasayan? nakakapang hinayang po hindi ako sang ayon sa patayan ngunit nakapanghihinayang na ang iniisip kong lapitan upang magkaron ng tamang kaisipan ang magsasabi sakin na makugulo at hindi sumamba?

    ReplyDelete
  11. naku mga pari kayo! huwag kayong makialam sa diskarte ng pangulo kung ayaw niyo mawalan ng sumasamba.kasalanan din ninyo yan kung maraming kriminal nagkalat sa boung bansa ay dahil hinde kayo nagtrabaho ng mabuti. mabuti pa ang mga saksi ni jehova nangangaral sa kalsada,palengke at p.u.b. sumisigaw magbagong buhay na.pero kayo mga pari kayo.,pagkatapos ng misa niyo matutulog na kayo sa kwarto niyo na airconditioned tapos magbibinyag ng kasal tapos mamamasyal na sa resort park gamit ang magarang honda calmry! sarap ng buhay niyo

    ReplyDelete
  12. Ang mga druglords ay parang zombie yan na kumakagat ng mga inosenteng tao hanggang sa mainfection lahat ang sambayanang pilipino kaya kailangang mawala ang mga zombies. Ang mga taong sugapa sa bawal na gamot ay demonyo na ang pag-iisip kaya kailangan mawala ang mga demonyo.ang buhay ng mga inosenteng tao ay napaka halaga kaya kailangan mawala ang sumisira sa buhay nila.

    ReplyDelete
  13. Matanong nga kita padre anong gusto mo ang mga inosenteng tao ba ang napapahamak o mga druglords at addicts ang mawawala. Please paki sagot mo nga Padre?

    ReplyDelete