Watch: 5 Magkakapatid at isang taong gulang, ginahasa ng Amain!


Arestado ang 50-anyos na lalaki sa Pagadian City matapos umanong halayin ang 5 menor de edad na anak ng kanyang kinakasama, kabilang ang isang taong gulang na sanggol!


Inaresto ng mga awtoridad ang isang 50-anyos na lalaki sa Pagadian City dahil sa panghahalay umano sa limang magkakapatid na babae na pawang menor de edad na anak ng kaniyang kinakasama.

Ayon sa ulat ng GMA News "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, sinabing natuklasan lang ang pang-aabuso ng lalaki sa mga biktima nang magsumbong sa guro ang isa sa mga biktima na 12-anyos.

Paglalahad umano ng biktima, paulit-ulit siyang ginahasa ng amain sa loob ng apat na buwan, at ang pinakahuli ay noong lang daw nakaraang linggo.

Kaagad na nagsumbong ang guro sa mga awtoridad at  doon na natuklasan na maging ang tatlong ate ng nagsumbong na biktima, at ang isang-taong-gulang nilang bunso ay pinagsamantalahan din umano ng kanilang amain.


Ayon sa mga biktima, matagal na raw alam ng kanilang ina ang ginagawang kahalayan sa kanila ng suspek pero wala raw itong ginawang hakbang.

Nang maaresto, inamin umano ng suspek na ginahasa niya ang nagsumbong na 12-anyos na biktima dahil sa galit niya sa magkakapatid.

Pero itinanggi nito na pinagsamantalahan niya ang apat pa nitong kapatid. -- Source

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment