Ibinasura! Senate Reso­lution No. 86 ni Senador Risa Hontiveros para pigilan ang paglibing ni Marcos sa LNMB

Photo: GMA

Dahil sa teknikalidad, ibinasura ng Senado ang resolusyon para tutulan ang paglilibing kay da­ting Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Walong senador ang bumoto sa Senate Reso­lution No. 86 ni Senador Risa Hontiveros para ideklarang “unfit” si Marcos na ilibing sa LNMB dahil sa krimen at paglabag sa karapatang pantao ng diktaduryang Marcos.

Anim na senador naman ang bumoto kontra sa resolusyon habang a­nim din ang nag-abstain.

“The motion is lost,” deklara ni Senate President Aquilino ‘Koko Pimentel III.

Dahil dito ay hiningi ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon ang klaripikasyon sa resulta ng botohan dahil walo ang boto sa resolusyon habang anim lang ang kontra.


Ipinaliwanag naman ni Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, chairman ng Senate committee on rules, na dahil 20 senador ang present sa ses­yon, kailangan ay higit sa kalahati ang bumoto sa resolusyon para ito pagtibayin.

“Any motion is only approved when you have a majority vote of those present,” paliwanag ni Sotto. - AbanteTonite
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment