Kris Aquino, mayroong one-on-one interview kay Pangulong Duterte sa kanyang TV comeback

Courtesy: Kris Aquino IG

Kasabay ng pagbabalik ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa TV hosting ngayong buwan ay ang one-on-one interview niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa post ni Tetay sa Instragram, ibinahagi nito na magkakaroon siya ng interview kay Duterte, ang successor ng kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Pinamagatang “Kris at Duterte” ang naturang interview na mapapanood sa November 11 sa TV5 at sa PTV 4.

Matatandaang noong nakaraang Setyembre, inanunsiyo ni Kris na umalis na siya sa ABS CBN na kanyang home network sa loob ng dalawampung taon.

Kasabay ng naturang anunsiyo, ibinunyag din ng aktres na nakatakda siyang gumawa ng proyekto kasama ang APT Entertainment na siyang producer rin ng variety show ng GMA-7 na Eat Bulaga.
[Source]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment