US, suportado ang muling pagsigla ng relasyon ng Pilipinas at China

Photo: Inquirer

Suportado ng Estados Unidos ang muling pagkakaroon ng dayalogo sa pagitan ng Pilipinas at China at wala silang nakikitang rason para mag-alala ayon kay U.S. Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel Russel.


Dagdag ni Russel ang paigting na relasyon ng Manila at Beijing ay hindi naman kailangan na maging kapalit ng bilateral relations ng bansa sa Washington.

Aniya ni Russel, binigyang diin ni U.S. Secretary of State John Kerry ang pagsuporta sa direktang negosasyon ng naturang dalawang bansa basta ito ay katangap-tanggap sa PIlipinas at sang-ayon sa umiiral na international law.


Sinabi rin ni Russel na gusto nila na ang bawat bansa ay may kalayaang pumili, magkaroon ng autonomy at makapagdesisyon sa kanilang sarili.

Kaugnay nang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang state visit sa China ay nilinaw ng Pangulo na ang ibig sabihin niya sa kanyang nabanggit na “separation” sa US ay hindi nangangahulugan ng “severance of ties” sa pagitan ng Pilipinas at US. - Source: Inquirer

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment