Robredo camp.dumipensa sa pakikipagpulong sa pinuno ng U.N


Dumepensa ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pagbibigay ng netizens ng malisya sa kanyang pakikipagkita kay United Nations Secretary General Ban Ki Moon sa Equador noong nakaraang linggo.


Paliwanag ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, walang isyu na may kinalaman sa pulitika na pinag-usapan sina Robredo at Ban Ki Moon.

Nilinaw ni Hernandez na pinangunahan lamang ng pangalawang pangulo ang delegasyon ng Pilipinas ng dumalo  sa isang kumperensya kasama ang kinatawan ng konsulado doon.

Nagkataon lang din na nasa hapunan na ibinigay ng pangulo ng Equador kina Robredo at Ban Ki Moon kaya sinamantala ng pangalawang pangulo na magpa-selfie kasama ang pinuno ng U.N..


Natural lang umano na mag-usap ang dalawa at hindi na ito dapat na gawing isyu.

Kasabay nito, umapela si Hernandez sa publiko na huwag ng bigyan ng malisya ang naganap na pagkikita ng dalawang lider.

Nilagyan ng kulay ng mga Duterte supporters ang pagkikita ng dalawa sa harap ng hayag na galit ng pangulo kay Ban dahil sa pagbatikos nito sa agresibong anti-drug campaign ng administrasyon. - Read more here

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment