Nationwide smoking ban: President Duterte will probably sign it within October - Ubial

Bilang na ang maliligayang araw ng mga smokers oras na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na nationwide smoking ban.


Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na ang draft ng executive order ay halos kapareho ng ordinansa sa lungsod ng Davao na naging kilala dahil sa mahigpit na pagpapatupad sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.


“We already submitted the draft executive order and the President will probably sign it within October,” pahayag ni Ubial.

“There will be no smoking in public places anymore, whether indoor or outdoor. Parks, bus stations, and even in vehicles. All these are considered public places,” dagdag niya.

Bukod sa smoking ban ay isinusulong din ng Department of Health ang pag-amyenda sa umiiral na Tobacco Regulation Act of 2003 o ang act regulating the packaging, use, sale, distribution and advertisements of tobacco products.


“What we want is to remove the gray areas in the current law and totally prohibit point-of-sale advertisements as well as designation of indoor smoking areas,” paliwanag ni Ubial.

Dahil sa tagumpay ng smoking ban sa lungsod ng Davao, nabanggit na rin ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang pagbabawal na manigarilyo sa mga beach sa buong bansa. - Courtesy: Pilipino Star

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment