Search

May part 2 ang pasabog ni FVR kay Duterte - Sen. Lacson

May ikalawang bahagi pa ang pasabog ni da­ting Pangulong Fidel V. Ramos kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.


Sinabi ni Lacson na nakausap niya si Ramos nang magkita sila sa Taiwan National Day noong Lunes ng gabi kung saan inungkat nito ang komento ng dating Pangulo sa Manila Bulletin noong Sabado na ang Pilipinas ay ‘losing badly’ sa ­unang 100 days ni Pangulong Duterte.


“We were together last night at Taiwan National Day. Sabi ko, Sir, parang galit ka yata. Sabi niya you wait for part 2. I don’t know what it is,” ani Lacson.


Sa unang bahagi ng banat ni dating Pangulong Ramos, kinastigo nito ang madugong giyera laban sa iligal na droga at ang pagmumura ng Pangulo sa international community, partikular sa Estados Unidos, United Nations at European Union.


Nanindigan ang da­ting Pangulo, graduate ng US Military Academy sa West Point, na hindi ma­kabubuti sa bansa ang pag-asim ng diplomatikong relasyon sa Estados Unidos. - Source: AbanteTonite


No comments:

Post a Comment