Kris nakakuha ng katapat, show sa GMA naharang!

MANILA, Philippines - Confirmed. Malabo na nga raw maging Kapuso si Kris Aquino sa ngayon.

Ang rason ayon sa isang source, hindi pumayag ang isang ‘po­werful’ na matuloy ang kanyang show sa APT Entertainment. Malalim ang ikinuwentong dahilan ng source.


Bagama’t matagal na raw pero malalim at hindi ordinaryong isyu lang. Isama pa raw dito ang isyu ng pulitika noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino sa nasabing ‘powerful.’

Ang inasahan daw kasi ni Kris ay mapupunta na sa kanya ang timeslot ng Calle Siete ng GMA na ang producer ay ang APT pero hindi raw nangyari. May humarang na ‘powerful’ kaya walang nagawa ang ex-presidential sister ayon sa source.


Nawalan daw ito ng choice. At hindi umubra ang pagiging Kris Aquino nito. At obviously nakakuha raw si Kris ng katapat.

Ito ang sagot ng source nang matanong ko kung ano ba talaga ang real score sa sinasabing naudlot na show sana ni Kris na sana’y nag-umpisa nang mag-taping nu’ng September 22 pagkagaling niya ng Japan kasama ang mga anak na sina Joshua and Bimby.

Hindi klinaro ni Kris pero nauna na niyang inamin sa presscon ng No Stains, No Fears ng Ariel detergent soap kung saan pinarangalan nila ang 100 Filipinas who are fearless  in pursuing their passion with the Wash Your Fears Summit, na tatlong linggong naging impyerno ang pinagdaanan niya. “I’ll be honest, ha? It’s been three weeks of hell. I won’t go into the details about what that hell has been, but it has been hell.


“Because several things that I thought I was going to start were delayed. I cried myself to sleep until Friday night,” pagtatapat nito sa presscon ng Ariel last week.

At ‘yun nga raw ang sagot sa nasabing ‘hell’ experience ng TV host/actress.

Actually mas na-focus ang nasabing presscon sa pinagdaanan ni Kris kesa sa kanyang pagiging ambassador ng nasabing sabong panlaba.

Anyway, ang nasabing summit for women featured a panel discussion na pinangunahan nga ni Kris and other seven female celebrity influencers na kilala na walang takot sa kanilang mga ginagampanan sa lipunan tulad ng fearless na beauty na si Miriam Quiambao, fearless advocate for peace and development Amina Rasul, fearless advocate for health and environment Anna Kapunan, fearless beauty queen and advocate for children’s education Marilou Chua, fearless journalist Samira Gutoc-Tomawis, fearless entrepreneur Mandy dela Rama and fearless lifestyle columnist Mons Romulo.


“Sometimes, no matter how focused we are on our goals, there will be unexpected situations and stains that will challenge our abilities. But being a Filipina and a mother, I learned to use the last ounce of strength to stand up and face my fears,” say ni Kris na in fairness ay may koneksiyon sa kasalukuyan niyang pinagdadaanan. - Continue Reading...

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment