Search

Edgar Matobato, nakalaya na matapos magpiyansa

Nakalaya na mula sa kostodiya ng Philippine National Police Custodial Center ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato.


Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) naghain ng P30,000 na piyansa si Matobato sa Quezon City court.


Sa impormasyon na nakasaad sa log book sa custodial center ng PNP, nakasaad na alas 3:22 ng hapon lumabas si Matobato at sinundo ito ng kaniyang abogado.

Kinumpirma rin ni Atty. Jude Sabio, abogado ni Matobato na nakalabas na ng custodial center ang kaniyang kliyente.


Ayon kay Sabio, inaalam nila ang posibilidad kung maaring mapagkalooban o mabigyan ng sanctuary ng simbahan si Matobato.

Matapos makalaya, balik sa protective custody ni Senator Antonio Trillanes IV si Matobato. - Source: RadyoInquirer

No comments:

Post a Comment