Search

Duterte: I am not a Tuta of any Country

Hindi umano “tuta” ng ano mang bansa si Pangulong Rodrigo Duterte at kung magpapakatuta man ang Pa­ngulo ito ay para lamang sa mga Filipino at hindi sa kung sinu-sinong mga dayuhan.


Iginiit ng Pangulong Digong na hindi siya kasali sa mga lider na sunud-sunuran sa dikta ng mga banyaga.

“Depende na lang kung magka-President ang Pilipinas na tuta ninyo. You count me out. I’m not one of them. I am not also a tuta of any country.


Mind you, only… Ang pwede lang magtuta sa akin ang Pilipino. Period. Walang iba,” pagdidiin ng Pangulong Duterte nang kapanayamin ng media sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bago ito tumulak patu­ngong Japan kahapon para sa tatlong araw na official visit.

Nagbigay din ng sangkaterbang komento si Pangulong Duterte patungkol sa lumabas na artikulo sa isang pahayagan kung saan naka­bungad ang mga katagang “Duterte Sparking International Distress.”

“Now, what did I tell to China? I went there just being nice. O tingnan mo ang lumabas (sa headline ng isang broadsheet): Duterte sparks International Distress. T— ina, kaliit-liit kong tao ba’t ka ba mag-stress, nerbiyoso kayo. Kasi guilty. Wala man akong ginawa sa China ah. Nag-usap kami. And so there’s a lot of speculation,” ani Duterte.


“Sabi ko, look at Section 7, Article — it states it very clearly, I urge eve­ryone of you: That the Philippines shall follow an independent foreign policy and putting up most of the time the best interest of the nation.

Sinunod ko lang iyon. Ito mga buwang [shows the newspaper again] nerbiyoso. ‘Duterte Sparking International Distress.’ Ano ang paki­alam ko sa Africa? Hindi ba international. Iyon ang… Ayaw ko na sana pero nu’ng nabasa ko ngayong umaga eh…I promised the Secretary I won’t, nung nabasa ko…Sabi ko, itong mga Amerikano buwang ta­laga. Style…Tingnan mo maglakad dito akala mo kung sino. Wala pang mga visa itong mga g@g*ng ito. Tayo magpunta doon pahirapan pa…,” ani Duterte.

“Do not dangle me about America. Nagkagulu-gulo na nga kayo doon eh. Why should you go there? … Eh kaya sabi ko separate, separate, yes, you have the EDCA.

Well, forget it. If I stay here long enough, one day that EDCA will…If it is an executive agreement then I will just…I do not want to see any military man of any other nation except the Filipino soldiers.

Iyan lang ang gusto ko. That’s the long and short of it. I want an independent policy that hindi ako pasunud-sunod maski kanino,” pagbibigay-diin ni Pangulong ­Digong. - Source: Abante-tonite

No comments:

Post a Comment