Search

Bahay nina FVR at Lacson nakatok ng Oplan Tokhang sa Alabang

Nagsagawa kanina ng Oplan Tokhang sa loob ng Ayala Alabang Village sa Muntinlupa city ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).


Sinabi ni Muntinlupa Police Chief S/Supt. Nicolas Salvador na kabilang sa mga kinatok ng mga pulis ay ang bahay nina dating Pangulong Fidel Ramos at Sen. Ping Lacson.


Kasama rin sa mga kinatok ang bahay nina Richard Brodette at Jorge Joseph na kabilang sa mga tinaguriang “Alabang Boys” na nahuli at nakulong kaugnay sa illegal drugs.

Nilinaw ni Salvador na courtesy call lamang ang ginawa nila sa bahay nina Ramos at Lacson.

Tulad ng bahay ni Brodette ay pawang mga kasambahay rin ang sumalubong sa kanilang pagpunta sa bahay ng naturang mga personalidad.


Bahagi ng Oplan Tokhang ang paghahatid ng impormasyon kaugnay sa kampanya ng pamahalaan sa bawal na gamot at kung ano ang mga bagay na pwedeng maitulong dito ng mga ordinaryong mamamayan.

Sinabi pa ni Salvador na magpapatuloy ang Oplan Tokhang sa iba pang mga gated at exclusive subdivisions sa kanilang nasasakupang lungsod. - Courtesy: RadyoInquirer

No comments:

Post a Comment