ISIS leader, kumpirmadong napatay

Kinumpirma ng Pentagon na isang lider ng Islamic State ang napatay sa isinagawang air strike ng tropa ng Estados Unidos sa Syria noong August 30.

Photo: Inquirer

Ayon sa Pentagon, ang nasawing lider ay si Abu Muhammad al-Adnani.

Si Adnani talaga umano ang target ng air strike ng US noong August 30, pero inabot ng ilang linggo bago tuluyang makumpirma na siya nga ang nasawi.


Sa isinagawang pag-atake, gamit ang drone ay nagbagsak ng missile sa sasakyan na gamit ni Adnani.

Si Adnani ay isa sa most high-profile figures ng IS na may patong na 5 milyong dolyar sa ulo.

Isa siya sa tagapagsalita at founder ng IS, na ipinanganak sa northern Syria.

Bago ang pagkumpirma ng US ay nauna nang inako ng Russia na sa isinagawa nilang air strike nasawi si Adnani. - SOURCE

Share on Google Plus
loading...
Loading...

1 comments:

  1. The height of hypocrisy! The US and its ally the Zionists created this evil group and now trying to show the public they are against ISIS? For what? To ensure their satanic desire of destroying the Middle East and seizing their land and oil? Every peace loving Muslims knew this ISIS were mercenaries who joined this group for money.

    ReplyDelete