Inakalang pulis, batang babae tinaga ng adik

Batang babae, inakala raw pulis kaya pinagtataga ng lalaking naka-droga umano.



Napatay ng mga awtoridad ang isang lalaki na lulong umano sa ipinagbabawal na gamot sa Molave,  Zamboanga del Sur. Pero bago ito napatay, pinagtataga muna niya ang isang batang babae na inakala raw nitong pulis.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing nagtamo ng mga sugat sa ulo, mukha at kamay ang batang biktima na pitong-taong-gulang.


Matapos maoperahan, nasa maayos na umanong kalagayan ang biktima.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inakala raw ng suspek na si Jose Carreon na pulis ang batang kapitbahay kaya niya ito inatake at pinagtataga.

Nang huhulihin na ng mga rumespondeng pulis ang suspek, muli itong nagwala hawak ang kaniyang itak.

Dahil dito ay pinagbabaril na siya ng pulis na dahilan ng kaniyang pagkamatay.



Source: GMA News

Share on Google Plus

Loading...

0 comments:

Post a Comment