CIA ng Amerika, may planong patayin si Pres. Duterte

“May plano ang CIA na patayin ako” – Duterte

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong ikinakasang assassination plot ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika laban sa kanya.


Photo file: Abs-Cbn

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Filipino community sa Hanoi Vietnam, sinabi nito na plano umano ng CIA na patayin siya.


Napa-susmaryosep  na lamang ang pangulo nang ibunyag nito ang nasabing plano.

Una dito, tahasan ang pagkagalit ng pangulo sa U.S at kay American President Barack Obama dahil sa pagpuna nito sa umanoy nagaganap na extra judicial kilings sa bansa bunsod ng pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.

Magugunitang sinabi ni Presidential Communication Office Sec. Martin Andanar na may nakuha silang impormasyon mula sa U.S kaugnay sa balak na pagpapabagsak sa Duterte administration na posibleng ilunsad sa mga unang buwan ng 2017.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni dating Pangulong Joseph Estrada na dapat ay mag-ingat ang pangulo sa mga banat sa U.S.

Ganito rin umano ang nangyari sa kanya noong siya’y pangulo pa ng bansa makaraan niyang ipag-utos ang pagdurog sa kuta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Abubakar.

Hindi umano nagustuhan ng U.S ang nasabing hakbang at ito ang naging dahilan kung bakit siya nasipa sa pwesto bilang lider ng bansa. - Courtesy: Inquirer

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment