"Huwag kanang magmalinis" - Cam kay De Lima


Nakahanda umano ang kilalang whistleblower na si Sandra Cam na tumestigo laban kay Senator Leila De Lima kaugnay sa mga binitiwang alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa di umanoy involvement ni De Lima sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prison (NBP) kasama ang kanyang di umanoy driver lover na si Ronnie Dayan.


Sa panayam ng Brigada News FM National kay Cam, tahasang sinabi nito na marami pang mga "imoralidad" si De Lima ang mabubunyag sa gitna ng banat sa kanya ni Pangulong Duterte.


Dagdag pa ni Cam na hindi na dapat magmalinis pa si De Lima lalo’t batid naman ng lahat ng nasa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang relasyon niya sa kanyang driver na kolektor din umano ng drug money na ginamit niya sa kanyang senatorial campaign.

Kasunod nito ay hinamon din ni Cam si De Lima na itigil na ang drama dahil lantad na sa publiko ang pagiging notorious nitong scalawag sa gobyerno.

Via: Brigada

Share on Google Plus

loading...
Loading...

0 comments:

Post a Comment