Drug matrix issue ni Duterte: Basura, nakakatawa - De Lima


“Ano’ng klaseng matrix ‘to?”

Ito ang pahayag ni Sen. Leila de Lima sa “drug matrix” ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan idinadawit siya sa pagpapakalat ng ilegal na droga na nag-uugat sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.


Pinagtawanan ni Sen. Leila de Lima ang drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte. Photo: Philstar

Sinabi ni De Lima na hindi na siya nagulat sa pandadawit na ginagawa sa kaniya ni Duterte na aniya’y wala namang ebidensya.

Pinagtawanan din ng senadora ang drug matrix ni Duterte na isa aniyang joke, basura at kayang gawin ng isang 12-anyos na bata.

“Can’t they come up with something better, something more professional looking,” pahayag ni De Lima ngayong Huwebes.

Iginiit ng senadora na malinis ang kaniyang konsensya at kumpiyansa siyang walang mahahanap na ebidensya si Duterte sa kaniyang mga paratang.

Sinabi pa ni De Lima na nagsasayang lamang ng oras si Duterte at hinimok niya ang Pangulo na tutukan ang ibang mas makabuluhang bagay.

“Mas maraming dapat gawin ang pangulo, ako rin dami ko kailangan dapat gawin, gusto ko na magconcetrate sa aking trabaho,” wika ng baguhang senadora na nanilbihang Justice secretary sa administrasyong Aquino.  


Hiniling ni De Lima para sa kaniyang kaarawan sa Sabado na lubayan na siya ni Duterte.

"Sana po sa matitira ko pang mga taon dito, mahaba-haba pa naman siguro yan, God willing, dito sa mundong ito, makabuluhan naman ng aking gagawin rather than ito na napipilatan akong sumasagot sa mga kabulastugan na ito."

Isinabit ni Duterte si De Lima sa matrix kung saan kasabwat umano niya si dating Pangasinan governor at ngayo’y Pangasinan Rep. Amado Espino Jr.

Sinabi ni De Lima na wala siyang kaugnayan kay Espino na sinampahan pa niya ng kasong murder ngunit naibasura rin ng korte.

“Tapos ngayon sasabihin kasabwat ko siya (Espino) grabe sila mag imbento ng kwento sobrang katawa-tawa.”

View full report HERE

Panoorin ang press conference ni Sen. Leila de Lima kaugnay ng matrix na nag-uugnay umano sa kanya sa illegal drug trade.

Posted by GMA News on Wednesday, August 24, 2016

Share on Google Plus

Loading...

0 comments:

Post a Comment