Drug lords ang nasa likod ng paninira sa SAF - Bato

Pakana umano ng mga preso sa loob ng New Blibid Prisons (NBP) ang umano’y mga akusasyon ng pag-abuso ng mga miyembro ng PNP Special Action Force.


Photo: INQUIRER

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, lumalabas na umaangal na ang mga preso sa sobrang higpit ng seguridad sa bilibid kung kaya sinisiraan na ng mga preso ang mga SAF troopers.

Giit ni Bato, mahabang panahon umano na umaabuso sa loob ng kulungan ang mga preso kung kaya ngayong mahigpit na ang umiiral na seguridad dahil sa PNP SAF ay ginagawan ang mga ito ng issue ng mga preso


Duda pa ni Bato, gumagamit na ng pera ang mga nakapiit na mga drug lords sa bilibid para palitawin na umaabuso ang tropa ng SAF sa loob ng piitan.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na nakita nilang epektibo ang pagbabantay ng elite team ng PNP sa loob ng NBP dahil hindi na nakakagawa ng kanilang mga iligal na gawain ang mga preso doon.


Read full report HERE

Share on Google Plus

Loading...
loading...

0 comments:

Post a Comment