De Lima, top illegal drugs protector - Duterte


Tahasang itinuro ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Leila de Lima na pinakamataas na opisyal ng gobyerno na sangkot ngayon sa ilegal na droga.

Photo:INQUIRER

Sa ambush interview sa pangulo matapos ang oath taking ng 76 bagong heneral ng Armed Forces of the Philippines, sinabi ng Chief Excutive na mayroon siyang ilalabas sa susunod na linggo na matrix o listahan ng mga drug personalities sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon sa pangulo, bukod kay de lima kasama rin sa ilalabas na matrix si dating Justice Usec. Francisco Baraan.


Mayroon din isang gobernador na kaibigan ng pangulo ang kasama sa matrix.

Sa ngayon ayon kay Duterte, bineberipika nya ng husto ang naturang matrix bago ilabas sa publiko sa susunod na linggo.
Via: INQUIRER

Share on Google Plus
loading...
Loading...

1 comments:

  1. nakakaawa si delima, hindi dahil sa kasalukuyan niyang sitwasyon, kundi dahil sa kabila ng mga drama niya sa kanyang press release at pagtatanggi niya ay wala pa ring maniwala sa kanya...

    ReplyDelete