Bagong BF ni De Lima at mga sasakyang pag-aari, ibinulgar ni Jinggoy Estrada


Matapos ibunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may bagong kasintahan si Senadora Leila De Lima, naglabas naman ng mga larawan si dating Senador Jinggoy Estrada na umano’y maaaring makapagpatunay sa ugnayan ng dalawa.



Matatandaang ibinulgar ni Duterte na ang bagong ‘boyfriend’ ni De Lima ay isang nagngangalang ‘Warren’ na empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Nagmula umano ang kaniyang impormasyon mula sa dating MMDA chairman Francis Tolentino na dating kasamahan ni De Lima sa Liberal Party (LP).

Subali’t sa Facebook account ni Jinggoy Estrada na CitiSen Jee, tuluyan nang pinangalanan ng nakakulong na senador ang nasabing umano’y lover ni De Lima. Naglabas din ng larawan ng dalawa si Jinggoy at ng mga sasakyang pag-aari umano ng lalaki na pinangalanan niyang ‘Warren Cristobal’.

“Dahil sa nabanggit na rin naman ng ating Pangulo ang pangalan ng diumano’y may ‘kaugnayan’ kay Leila De Lima, si Warren Cristobal, narito po ang kanyang litrato na binubuhusan niya ng tubig ang senadora,” sabi ni Jinggoy sa kaniyang pagbubulgar.

Hindi naman matiyak kung alin sa dalawang lalaking nasa larawan ang tinutukoy ni Jinggoy

Pinaniniwalaang kuha ang nasabing litrato noong mauso ang ‘ice bucket challenge’ kung saan isa si De Lima sa mga opisyal ng gobyerno na sumakay sa kasikatan nito sa social media.

Sa iba pang larawan, mistulang ipinagtataka ni Jinggoy kung saan nanggaling ang perang ipinamili ni ‘Warren Cristobal’ ng motorsiklo, dyipni at iba’t-ibang sasakyan.

“Masdan ninyo ang mga kotse ng pag-aari ni Warren,” sabi ni Jinggoy sa kaniyang Facebook post.


“Ang tanong ko kay Leila – ikaw ba ang bumili ng mga sasakyan ni Warren? Mga jeep, kotse at mga motorsiklo???” dagdag pa nito.

Sa naunang pagbubunyag ni Duterte, sinabi nito na walang kaugnayan sa droga ang bagong ‘boyfriend’ ni De Lima.

Ngunit iginiit ng Pangulo na si Ronnie Dayan, ang napaulat na unang kasintahan ng senadora, ay totoong sangkot umano sa illegal na aktibidad sa Bilibid at siyang umanong bagman ni De Lima.

“Lumabas na lahat e, pati yung kalokohan niya sa kama. Hindi photoshop ‘yan, sinadya talaga ng lalake ‘yan at pumayag ‘yan because na-in-love,” pagbubunyag ng presidente, na ang pinatutungkulan ay ang kumakalat na sex video umano ng mambabatas at ng kaniyang ‘driver/lover’.

Malaki ang naging partisipasyon ni De Lima sa pagkakakulong ni Jinggoy dahil sa kontrobersiyal na ‘pork barrel scandal’.

Si De Lima ang kalihim ng DOJ noon na naging masigasig sa pag-uusig kay Jinggoy at sa ilan pang mambabatas na sangkot sa eskandalo tulad nina dating senador Juan Ponce-Enrile at Ramon ‘Bong’ Revilla.


Dahil sa nabanggit na rin naman ng ating Pangulo ang pangalan ng diumano'y may 'kaugnayan' kay Leila De Lima, si Warren...
Posted by CitiSen Jee on Wednesday, August 24, 2016
Via: DF News

Share on Google Plus

Loading...
loading...

0 comments:

Post a Comment