Alyas ‘Dimonyo’ patay sa buy-bust

Nasawi ang isang hinihinalang tulak ng droga samantalang nakatakas naman ang kasamahan nito sa buy-bust operations ng mga otoridad sa Adriatico St., Maynila.

Photo: Radyo Inquirer
Dead on the spot ang suspek na nakilala sa alyas nitong ‘Aris dimonyo’ sanhi ng tama ng bala sa kanyang katawan resulta ng pagganti umano ng putok ng mga operatibang nagsagawa ng operasyon.

Ayon sa inisyal na ulat ni PO3 Roel Candelario ng MPD Station 9, sakay ng isang itim na SUV ang suspek kasama ang isang alyas ‘Bekbek’ kung saan pagsapit sa bahagi ng Rizal Stadium, kanilang sinundo ang poseur-buyer.


Sa kasagsagan umano ng transaksyon, nakahalata ang mga suspek na may bitbit na baril ang buyer.

Nang akmang babarilin na ng suspek ang operatiba, dito na ito gumanti ng putok hanggang sa mapatay si alyas ‘Aris Dimonyo’

Napag-alaman na nasa drug list ng MPD staion 9 ang mga suspek kabilang na ang napatay.

Source: Radyo Inquirer

Share on Google Plus

Loading...


1 comments: